CHO AIDSTuloy ang kampanya ng Antipolo City Gov’t laban sa AIDS kung saan ginanap noong Mayo 17, 2019 sa City Health Office (CHO) Building ang taunang International AIDS Candlelight Memorial. Layunin ng programa na mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit ng AIDS sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga paraan para makaiwas dito, pati na din ang treatment at ang mga peligrong maaaring idulot nito sa isang tao o komunidad. May temang “Intensifying the Fight for Health and Rights!” ang programa ngayong taon kung saan nakiisa ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Chairman at kanilang mga kagawad.