MaytimeFestival12Rumampa ang mga cute at cuddly pets sa 6th Antipolo Dog Show ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Mayo 18, 2019 sa Sumulong Park. Sa tulong ng City Veterinary Office, umabot sa 68 pet lovers ang nagparehistro ng kanilang mga alagang hayop kung saan tumanggap sila ng mga giveaways at freebies gaya ng dog food, vitamins, sabon at shampoo. Tumanggap din ng cash prizes at tropeyo ang mga nagwagi sa iba’t ibang katergorya ng kumpetisyon katulad ng Dog of the Year, Twinning, Cutest Puppy, Poging Aspin, Coolest Dog, at Best Tricks. Nagbigay din ng libreng anti-rabbies vaccine para sa mga alagang hayop ang City Vet at dog grooming services naman mula sa mga kasamang sponsors.