LingapKabataan7Tagumpay ang isinagawang rescue operation ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo PNP-WCPC, sa pitong dalagitang menor-de-edad na ibinubugaw ng isang babaeng menor-de-edad din. Nasagip ang mga dalagita na naglalagi sa The Peak Resto Bar sa may Sumulong Hi-way noong Mayo 15, 2019 pagkatapos ng tatlong buwang under surveillance ang  bugaw na suspek. Mula sa pulisya, inilipat sa kustodiya ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office ang pangangalaga sa mga biktima para sumailalim sa counseling.