LingapKabataan6Mission accomplished ang Oplan Lingap Kabataan sa Lansangan  ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa naganap na rescue operation noong Abril 25, 2019 kung saan 35 na menor-de-edad ang nailigtas sa kapahamakan sa Barangay San Isidro. Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office, sumailalim sa psychosocial debriefing at counseling ang mga nailigtas samantalang dinala sa Lingap Kabataan Satellite Office ang mga kabataang walang sumundong magulang para doon makapagpahinga. Sa walang tigil na operasyon ng Office of Public Safety and Security (OPSS) at CSWD, katuwang ang City Peace and Order Council (CPOC), higit 4,000 kabataan na ang naililigtas  ng pamahalaang lokal na pakalat-kalat tuwing dis-oras ng gabi simula noong 2015.