Philhealth OnsiteRegistrationSa mga self-employed, voluntary, nasa sektor ng informal economy at seniors, maaari po kayong magparehistro sa PhilHealth o magpa-update ng inyong record sa Martes, May 14 mula 9AM hanggang 2PM sa covered court ng Dela Paz Barangay Hall (F. Asuncion Street o mas kilala sa tawag na Kalye Lukay. Malapit lamang po ito sa Antipolo Church ipagtanong na lamang po sa mga residente).

Doon na po ninyo makukuha ang PMRF o PhilHealth Member Registration Form. Ang mga requirement ay nasa ibaba.

Electronic registration: https://eregister.philhealth.gov.ph
Inquiries: Dial PhilHealth hotline (02) 441-7442