MaytimeFestival8Tinanghal na grand champion ang San Jose National High School mula sa 15 eskwelahang naglaban-laban para sa Street Dance Competition sa pagbubukas ng Antipolo Maytime Festival 2019 noong May 1, 2019. Tumanggap ng cash prizes na P100,000 para sa Final Salvo at P15,000 para sa Street Dance ang San Jose NHS mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Final Salvo noong araw ding iyon sa Ynares Center. Bahagi lamang ito ng mga programa at aktibidad na inihanda ng pamahalaang lungsod para sa buong buwan ng pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival.