MaytimeFestival6

Libu-libong AntipoleƱo at turista ang nag-abang at nanood sa makulay at masayang parada ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagbubukas ng Antipolo Maytime Festival 2019 noong May 1, 2019. Sumayaw at nagbigay saya ang humigit- kumulang 1,000 street dancers suot ang mga magagarbong costume at sinabayan pa ito ng mga action figures na Avengers at mga float. Nagtapos ang parada sa Ynares Center kung saan ginanap ang pinaka-aabangan ng lahat na Street Dance Competition na isinasagawa taun-taon.