MaytimeFestival7

Startgame at hindi Endgame ang tema ng mga Avengers sa pakikisaya nila sa opening ng Antipolo Maytime Festival 2019 noong May 1, 2019. Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, masayang sinalubong ang festival sa pamamagitan ng street dancing at float parade kung saan libo-libong mga turista at pilgrims ang nakiisa. Iba’t ibang aktibidad at programa ang masasaksihan ng mga Antipolenyo, turista at deboto sa buong buwan ng Mayo para sa pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival.