LingapKabataan5All hands on deck ang Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagsagip sa 13 menor-de-edad sa tulong ng ikinasang Oplan Lingap Kabataan sa Lansangan noong Abril 10, 2019 sa Brgy. Dalig. Sa pagtutulungan ng mga kawani ng Office of Public Safety and Security (OPSS), City Social Welfare and Development Office (CSWD), City Peace and Order Council (CPOC) at Barangay Dalig, patuloy ang pagliligtas ng pamahalaang lungsod sa mga kabataang nagpapakalat-kalat tuwing dis-oras ng gabi at lumalabag sa City Curfew Ordinance. Halos 4,000 kabataan na ang natutulungan ng naturang operasyon simula noong 2015.