CEWMO InternationalEarthDay1Full force ang Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pakikiisa nito sa taunang International Earth Day na ginanap noong Abril 22, 2019 kung saan masigla ring nakilahok si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares. Sa pangunguna ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), katuwang ang lahat ng barangay at ilan mula sa pribadong sektor, daan-daang mamamayan ang nakiisa sa simultaneous clean-up drive sa mga daluyan ng tubig at Hinulugang Taktak Protected Landscape.