CEWMO InternationalEarthDay2Heal the world ang layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na taunang International Earth Day noong Abril 22, 2019 kung saan masayang nakilahok si Rizal Governor Nini Ynares. Sa pangunguna ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), walang tigil ang pamahalaang lokal sa pagsusulong ng Ynares Ecosystem (YES) to Green Program ng Rizal Provincial Gov’t na may pakay na linisin at muling payabungin ang kalikasan. Tampok sa naturang pagdiriwang ang simultaneous clean-up drive sa Hinulugang Taktak Protected Landscape at mga daluyan ng tubig sa lungsod. Dumalo rin sa naturang pagdiriwang ang ilang kinatawan mula sa pribadong sektor.