WorkSuspension April172019Sa bisa ng Memorandum Circular No. 60 na inilabas ng Palasyo, ang mga pasok sa lahat ng mga tanggapan ng Pamahalaan sa buong bansa ay hanggang alas dose lamang ng tanghali ngayong araw. Ito ay upang bigyan ng sapat na oras ang mga kawani ng gobyerno sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Semana Santa. Bilang pagtalima sa kautusang ito, wala na pong pasok ang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Lungsod simula ngayong tanghali maliban sa mga opisinang nagbibigay ng vital services tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Radio Communications Office, Office of Public Safety and Security, City Health Office at mga ospital na nasa ilalim ng pamamahala nito. Magbabalik po ang serbisyo ng ating City Hall sa Lunes, Abril 22.