DayCareMassRecognition10Si Ate Andeng Ynares, maybahay ni Mayor Jun Ynares, habang nagbibigay ng kanyang masayang mensahe sa mga bata at magulang ng daycare center ng Barangay Bagong Nayon sa ginanap na Moving Up Day noong Abril 8, 2019 sa covered court ng Bagong Nayon I Elementary School. Pinasalamatan ni Ate Andeng ang lahat ng mga daycare worker, mga guro, at mga magulang para sa kanilang sakripisyo at walang tigil na pagsuporta sa mga kabataang Antipolenyo. Sa kasalukuyan, mayroong 202 na daycare center ang Antipolo City sa 16 barangay nito.