DayCareMassRecognition8All smiles si Ate Andeng Ynares, maybahay ni Mayor Jun Ynares, habang binabati ang mga daycare student sa ginanap na Moving Up Ceremony ng Barangay San Luis Daycare Center noong Abril 8, 2019 sa Sambaville. ‘Di napigilan ni Ate Andeng ang mapangiti nang makita ang mga mukha at well-behaved little angels ng Barangay San Luis na handang-handa na sa pagpasok sa kindergarten. Bahagi ito ng Mass Recognition na isinasagawa ng Antipolo City Government para sa 202 na daycare center nito sa buong lungsod kung saan dumalo at nakiisa rin ang mga kawani ng pamahalaang lokal.