Agriculture IsdaOnTheGoProjectFresh na fresh ang ginanap na inauguration ng Department of Agriculture (DA) at Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa programang “Isda On The Go” noong Abril 8, 2019 sa Sumulong Park. Kauna-unahang lungsod ang Antipolo sa buong Pilipinas na maglulunsad ng naturang programa kung saan bagsak presyong ibebenta ang mga frozen na isda. Katuwang ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), Bureau of Fisheries and Aquatics Resources (BFAR), City Agriculture Office, at pribadong sektor, layunin ng programa na mabigyan ng maaasahang supply at mas murang isda ang mga residente gayundin upang mas paunlarin ang fishing industry.

#TayoNaAntipolo #MayorJunYnares