SK SummerBasketballLeagueMas mainit pa sa summer ang Kick-off Ceremony ng Sangguniang Kabataan (SK) Summer Basketball League ng Barangay Cupang at Barangay San Jose noong Abril 7, 2019 kung saan libu-libong kabataan ang dumalo at nakisaya sa grand opening. Game na game na nakiisa sa naturang programa si Antipolo Mayor Jun Ynares. Layunin ng programa ‘di lamang palakasin ang ugnayan ng mga kabataang Antipolenyo kundi para rin ma engganyo ang mga ito na ugaliing mag-ehersisyo at hikayatin ang iba pang kabataan sa lungsod na mag exercise kaysa magbabad sa mga computers at gadgets ngayong summer season.

#TayoNaAntipolo #MayorJunYnares