BalikEskwelaCaravan9‘Sing init ng sikat ng araw ang pagsalubong ng mga mag-aaral at magulang sa team Balik Eskwela ngayong araw, April 8, 2019. Humataw ang caravan sa pamimigay ng school supplies, bags, at uniforms sa mga chikiting ng Apia Paglitaw, Apia Calawis, Calawis, at San Juan Elementary Schools. Syempre, hindi rin natin kinalimutan ang students ng Apia Calawis, at San Juan National High Schools. Tinumbasan ng mga bata ang taas ng energy ng Balik Eskwela team na hindi lang mga gamit ang dala, fun and entertainment din! Nadagdagan pa ang saya dahil maliban sa school supplies distribution ay back-to-back inaugurations din ang ginanap. Sa Calawis National High School, pinatag ang bahagi ng school ground at pinasinayaan ang isang bagong gusali. Sa Binayoyo Elem School naman, isang bagong-bagong Ynares Multi-purpose Covered Court ang ininagurahan. O ayan kids ha, ready na tayo sa isang bagong school year! Timing na timing pa sa early registration, diba? Stay in School!