DayCareMassRecognition5Love na love ni  Ate Andeng Ynares ang ginanap na Moving-Up Ceremony ng Barangay San Isidro  Upper Daycare Center ngayong Marso 27, 2019 matapos niyang makita ang mga excited  na daycare student sa kanilang mini-graduation. All smiles si Ate Andeng kasama ang ilang kawani ng pamahalaang lungsod sa naturang programa kung saan ibinahagi nila ang kanilang pasasalamat sa mga daycare workers at teachers gayundin ang kanilang paghanga sa mga sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang anak. Kabilang din ang mga estudyante ng Barangay San Isidro Lower Daycare Center at Rural Improvement Club Daycare Center sa mga kinilala sa Daycare Mass Recognition Day.