DayCareMassRecognition4Nagmistulang proud parent ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pagtatapos ng daan-daang mag-aaral sa ginanap na Daycare Mass Recognition Day noong Marso 25, 2019 sa mga Daycare Center sa Barangay Inarawan, Mayamot, at Sta. Cruz. Nakiisa at nakipagkulitan sa mini-graduation ng mga chikiting si Ate Andeng Ynares kasama ang mga kawani ng pamahalaang lokal kung saan ibinahagi nila ang kanilang paghanga at pagsuporta sa lahat ng magulang, guro, at mga daycare students.