BalikEskwelaCaravan6Early start ang Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pamamahagi ng mga bag, school supplies at uniporme sa programang Balik Eskwela Caravan na nagsimula noong Marso 25, 2019 sa Cupang Elementary School. Layunin ng taunang programa ang pagbibigay ng mga libreng kagamitang pang-eskwela sa higit 200, 000 mag-aaral sa 68 pampublikong paaralan sa lungsod. Target ng maagang distribusyon ngayong taon ang maagang paghahanda ng mga estudyante sa pasukan bilang tugon sa early registration ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan. Kabilang sa mga paaralan na napuntahan sa day 1 ng caravan ang Cupang ES Annex, Pe├▒afrancia ES, at Cupang National High School.