BalikEskwelaCaravan5Dinagsa ng mga estudyante ang ginanap na Balik Eskwela Caravan ng Antipolo City Government noong Marso 27, 2019 sa Knights of Columbus Elementary School, Brgy. San Roque. Energetic na nakiisa sa naturang programa si Ate Andeng Ynares kung saan hinikiyat niya ang mga mag-aaral na patuloy na magsumikap at ‘wag sumuko sa mga hamon ng buhay. Kasama rin sa distribusyon ang mga kawani ng pamahalaang lokal kung saan tumanggap ang bawat mag-aaral ng libreng gamit pang-eskwela tulad ng school supplies, bag, at pares ng uniporme. Kabilang sa mga paaralang napuntahan ng caravan ang Kaila ES, Lores ES, at Nazarene Ville ES. Maaga ngayong taon ang distribusyon para maagang makapaghanda ang mga mag-aaral matapos magsagawa ang Department of Education (DepEd) ng early registration sa mga pampublikong eskwelahan. Sa kasalukuyan, higit 1 milyong estudyante na ang nagiging benepisyaryo ng Balik Eskwela Caravan simula 2014.