DayCareMassRecognition3Ready na sa next level ang daan-daang daycare students matapos ganapin ang kanilang Moving-Up Ceremony noong Marso 27, 2019. Kabilang ang Bgy San Isidro Upper at Lower Child Development Center, gayundin ang Rural Improvement Club Daycare Center, sa mga nagsagawa ng naturang ceremony kung saan naki-isa si Ate Andeng Ynares kasama ang mga kawani ng Antipolo City Government.

Proud parent si Ate Andeng nang makitang ready ng mag-kindergarten ang mga well-behaved na chikitng kung saan ibinahagi rin niya ang isang inspirational message at pagpapasalamat sa mga daycare workers, teachers, at mga magulang na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa mga batang Antipolenyo.