AlertoKontraDrogaCaravan3Full house ang Barangay Dalig Covered Court  nang ganapin ang programang “Tayo Na Laban Sa Iligal Na Droga Caravan” ng Antipolo City Gov’t noong Marso 27, 2019. Nakiisa sa naturang programa si Ate Andeng Ynares kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan kung saan tinalakay nila ang tungkol sa pagpapalakas ng kampanya kontra droga sa tulong ng komunidad. Ibinahagi rin ni Ate Andeng ang kaniyang suporta sa mga mamamayang walang tigil na nakikibahagi para tuldukan ang drug abuse. Sa pangunguna ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Office (ACADAO), umabot sa higit 4,000 Antipolenyo ang nakibahagi sa nasabing caravan na pumunta na rin sa iba’t ibang barangay sa lungsod.