BuntisSummit2Happy hormone ang hatid ni Ate Andeng Ynares sa mga mommies na dumalo sa ginanap na 4th Antipolo Buntis Summit noong Marso 27, 2019 sa Ynares Event Center. Nagbahagi si Ate Andeng ng inspirational message sa mga momshie tungkol sa responsibilidad ng mga magulang at mga parenting tips para sa pag-aalaga ng anak. Nakiisa rin sa naturang programa sina Antipolo 1st District Congresswoman Chiqui Roa-Puno, former Congressman Robbie Puno, Board Member Randy Puno, at Konsehal Doc Rico de Guzman. Bahagi ito ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong taon.