Iniuwi ng Farmers Information Technology Services (FITS) Antipolo City ang ikatlong gantimpala sa ginanap na video making contest na may temang Agri Women: We Make Change Work for Women, alinsunod sa selebrasyon ng National Women’s Month. Ang naturang contest ay pinangunahan ng Agricultural Training Services (ATI) Calabarzon na ginanap sa ATI CALABARZON Center Trece Martires Cavite noong Marso 18, 2019 na nilahukan ng mga iba’t ibang FIT centers sa buong Rizal.

“Isang magandang idea na makilahok at maging aktibo tayo sa mga programang makakapag bigay benepisyo sa mga kababaihan. Nais nating ipakita na kung kaya nating mga lalaki, tiyak na kaya din ng mga babae,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Ipinamalas sa video presentation ang pagiging aktibo ng mga kababaihang Antipolenyo. Naging sentro ng presentasyon ang mga banner programs ng Brgy. Calawis tulad ng vegetable, rice, corn planting, orchard gardening,fisheries at iba pang livelihood training services kung saan pinamumunuan ng kababaihan.

Ang FITS Center ang programa ng Agricultural Training Services sa ilalim ng Techno Gabay Program kung saan kumukuha ng impormasyon, bagong technolohiya at pati mga inputs or mga buto na maaring itanim ng mga magsasaka. Base sa datos na nakalap, mayroon ng 9045 beneficiaries ang FITS Center Antipolo simula 2014. Nagwagi din ang FIT Morong at FIT Gumac sa nasabing kompetisyon.