ECAValidationSi City Mayor Jun Ynares (gitna) kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo at mga validator ng Environmental Compliance Audit (ECA) National Validation noong Marso 18, 2018 sa Antipolo City Hall. Masayang tinanggap ni Mayor Ynares ang mga validator sa kaniyang opisina kung saan tiniyak niyang hindi tumitigil ang pamahalaang lokal sa pagsusulong ng isang mas malinis na kapaligiran at mas mayabong na kalikasan. Sa pangunguna ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Antipolo City bilang Hall of Fame Awardee noong 2018 matapos nitong masungkit ang kampeyonato sa National ECA ng tatlong beses.