BalikEskwelaCaravan3Excited ang mga estudyante sa ginanap na back-to-back Balik Eskwela Caravan ng Antipolo City Government ngayong Marso 27, 2019 sa Knights of Columbus ES, Brgy. San Roque. Tumanggap ng libreng gamit pang-eskwela ang daan-daang mag-aaral ng naturang paaralan gayundin ang mga estudyante ng Kaila ES, Lores ES, at Nazarene ES.

Buong pusong nakiisa sa pamamahagi ng mga kagamitan si Ate Andeng Ynares kasama ang kawani ng pamahalaang lungsod. Maaga ngayong taon ang nasabing caravan para maagang makapaghanda ang mga mag-aaral matapos magsagawa ang Dep Ed ng early registration sa mga pampublikong paaralan. Sa kasalukuyan, higit 1 milyong estudyante na ang nagiging benepisyaryo at natutulungan ng Balik Eskwela Caravan simula noong 2014.