CivilWedding8‘Sing-init ng summer season ang pagmamahalan ng 25 newlyweds matapos ganapin ang Kasalang Bayan sa Rizal Provincial Government Capitol gayundin ang wedding ceremony nina Mr. Chester Law Manalang at Ms. Mariz Alsab sa tanggapan ni City Mayor Jun Ynares ngayong Marso 26, 2019. Pinangunahan ni Mayor Ynares ang seremonya ng pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan kung saan hinikayat niya ang mga couple na magmahalan at magtulungan anuman ang suliranin na kanilang kahaharapin. Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, best wishes at congratulations po!

#TayoNaAntipolo #MayorJunYnares