BFPAntipolo FirefightingEquipmentIpinagkaloob ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Marso 25, 2019 sa Sumulong Park ang halos P 3-M state-of-the-art firefighting equipment sa Bureau of Fire (BFP)-Antipolo. Nakiisa sa naturang turnover ceremony si Konsehal Dok Bong Acop kung saan malugod na tinanggap ni City Fire Marshall Orlando Antonio ang iba’t ibang kagamitan katulad ng metal cutter, reflector vest, mga I.T. at office equipment gayundin ang mga safety gear. Layunin ng programa na mas pabilisin ang pagresponde at mas palakasin ang kakayahan ng BFP sa pagtugon sa iba’t ibang insidente sa lungsod lalo na’t umpisa na ng tag-init.