DrugFreeCity2Mission accomplished ang Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagbaba ng drug-related crimes sa lungsod matapos itong kumpirmahin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginanap na 2-day Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Summit noong Marso 14-15, 2019 sa Antipolo City Hall. Ayon sa PDEA, mas kumaunti ang ikinakasa nilang drug operation dahil mas bumaba ang presensya ng mga drug personalities sa tulong ng mahigpit na pagpapatupad ng anti-drug campaign ng pamahalaang lokal. Nasa 82 katao ang nakiisa sa BADAC Summit kung saan ilan sa mga naging paksa ang accomplishment report ng bawat kasaping organisasyon gayundin ang pagbuo ng Plan of Action na gagamitin ng konseho sa buong taon. Sa kasalukuyan, nasa 9 barangay na ang idineklara ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na drug-cleared communities sa Antipolo.