Inauguration Sta.CruzES3Laking tuwa at pasasalamat ng mga magulang at guro sa bagong 4-storey school building na itinayo ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa Sta. Cruz Elementary School. Naganap ang Blessing at Turnover Ceremony ng school building noong March 15, 2019 na dinaluhan nina Kon. Enrico de Guzman. Kon. Agnes Oldan, Kon. Robert Altamirano, GPTA at mga opisyales ng DepEd-Antipolo. Tuloy-tuloy ang pagpapagawa ng pamahalaang lokal ng mga school building upang mapunan ang pangangailangan ng mga pampublikong paaralan at bilang paghahanda na rin sa pagdami ng mga mag-aaral.