CHO LGBTQHealthSummit3NAGSAMA-SAMA ang ating mga kababayan na kasama sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer and Intersex (LGBTQI) Community sa naganap na “Feel the Pills: LGBTQI Health Summit” noong Marso 12, 2019 sa SM Cherry Antipolo.

Lumahok ang halos 120 na LGBTQI sa health summit na nagbigay ng seminar tungkol sa SOGI (sexual orientation, gender identity and expression), mga uri ng enhancing pills at mga epekto nito sa katawan, HIV/AIDS awareness at pangangalaga sa kalusugan ng mga transgender. Nagkaroon din ng libreng HIV testing at counselling.

“Ang programang ito ay layon po na mapagtuunan ang kalusugan ng ating LGBTQI community dito sa lungsod. At para maiparating din po sa lahat ng ang pagbibigay po natin ng serbisyo publiko ay walang pinipili at walang diskriminasyon. Layunin po natin na magkaroon ng maunlad at malusog na buhay ang bawat Antipolenyo,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Ito na ang pangalawang taon na isinagawa ng CHO ang ganitong programa para sa mga LGBTQI community na dinaluhan ng mga speakers na mga doktor, Obstetrician-Gynecologist (OB) at opisyal mula sa AIDS Society of the Philippines. Katuwang ng pamahalaang lokal sa programang ito ang Transpinay of Antipolo Organization.