DrugFreeCityMas mababang drug related crimes ang iniulat sa pagpupulong ng mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa ginanap na 2-day BADAC Summit ngayong Marso 14, 2019 sa Antipolo City Hall. Nasa 82 katao ang nakiisa sa naturang programa kung saan tinalakay sa day 1 ng summit ang performance assessment at accomplishment ng bawat kasaping organisasyon.

Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) - Antipolo na malaking tulong ang ipinapatupad na Community Mobilization Program ng kanilang tanggapan para mas mapabilis ang police response sa 16 na barangay sa lungsod. Dagdag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dahil sa mas pinalakas na anti-drug campaign na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ay mas maraming drug personalities ang nahuli. Sa kasalukuyan, na sa 9 barangay na ang idinedklara ng Department of Interior and Local Government na drug-cleared barangay.