BuntisPageant2Si Mayor Jun Ynares, kasama si Mommy Michilla del Prado ng Barangay San Isidro, ang 1st Place winner ng Buntis Pageant, at si Dr. Regina Santiago -Aquias, Project Head ng POGS-Pentamed Chapter, sa ginanap na Antipolo Buntis Pageant na isa sa mga highlight sa pagdiriwang ng 16th Buntis Congress ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo noong March 10, 2019 sa Antipolo Sports Hub. Sa pagtutulungan ng City Health Office, Philippine Obstetrical and Gynecology Society (POGS) – Pentamed Chapter, Fonterra Philippines at Metro Pharma at Bayer Philippines, nabigyan ng libreng pre-natal check-up, ultrasound at lectures ang 203 na mga pregnant mom sa lungsod. Taun-taon ito ginagawa kaugnay sa selebrasyon ng International Women’s Month tuwing buwan ng Marso.