BJMP BaeInmatesNAGPAKITANG-GILAS ang mga hottie inmates ng Antipolo City Jail (ACJ) sa ginanap na “1st ACJ-Male Dorm Got The Look 2019” noong Pebrero 28, 2019 sa Brgy. San Jose kung saan nakisaya ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo. Sa pangunguna ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nasa 9 Person Deprived of Liberty (PDL) o mga taong nag-aantay ng hatol at kasalukuyang sumasailalim sa paglilitis ng korte ang sumabak sa naturang kompetisyon. Layunin ng programa na ipakita ang resulta ng rehabilitasyon ng mga inmate sa city jail sa tulong ng mga programang humuhubog sa kanilang pag-iisip at kakayahan tulad ng Alternative Learning System (ALS) at livelihood trainings.

“Kami po sa pamahalaang lokal ay naniniwala na dapat nating alisin ang ‘stigma’ o negatibong kaisipan tungkol sa mga kapatid nating PDL. Naniniwala po kaming malaki ang naitutulong ng pagbibigay ng oportunidad at panibagong pagkakataon sa mga inmates para tuluyan silang mailayo sa mga masasamang gawain. Ang kanilang pagbabago at ang ating pang-unawa ang susi para sa isang mas ligtas at mapayapang lipunan,” pahayag ni Mayor Jun Ynares.

Nakiisa at nagbigay ng mensahe ng suporta si Konsehal Enrico De Guzman gayundin sina J/SInsp. Dick Loque at J/Supt. Mirasol Vitor ng BJMP.

Kabilang sa mga award na ibinahagi ang Best Production Number, Best Casual Attire, Best Talent, Best Sports Attire, Mr. Darling of the Crowd, at Mr. Photogenic. Tumanggap ng cash incentives, food packs, at hygiene kits ang mga kalahok samantalang nakakuha rin ng trophy ang Top 3 Finalist. Maliban dito, crowd pleaser ang mga special performance ng mga inmate na sumayaw at kumanta