VeteransSa ika-74 na liberation day anniversary ng Lungsod ng Antipolo, nag-alay ng bulaklak ang 31 beteranong kasapi ng Veterans Federation of the Philippines sa Liberation Marker, City Hall Grounds, ngayong araw, ika-12 ng Marso, 2019. Dumalo sa selebrasyon sina Antipolo City 2nd District Councilor Adiong Reyes, Paui Tapales, Administrator Atty. Henry Rosantina at ilang mga piling kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Nagbalik-tanaw naman sa pamamagitan ng isang mensahe si Vice Commander Elena Juanson. Mula po kay Mayor Jun Ynares at buong Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, saludo po kami sa inyo! Hindi po matatawaran ang naging serbisyo’t sakripisyo ninyong inialay sa ating bayan.