NationalDentalHealth CHOMission accomplished ang Antipolo City Gov’t noong Pebrero 27, 2019 sa pagsusulong nito ng oral health awareness matapos ang matagumpay na dental health competition na isinagawa sa San Jose National High School. Sa pagtutulungan ng City Health Office at DepEd Antipolo, bahagi ang naturang programa ng National Dental Health Month kung saan halos 500 mag-aaral, magulang, at guro ang dumalo. All smiles ang mga kalahok sa iba’t ibang kumpetisyon katulad ng poster at slogan making contest gayundin ang Ngi-teen Henyo at sabayang pagbigkas. #TayoNaAntipolo#MayorJunYnares