LocalYouthDevPlanAktibong nakiisa ang mga lider ng kabataang Antipolenyo mula sa iba’t ibang sektor sa unang hakbang sa pagbuo ng Local Youth Development Plan (LYDP) ng Antipolo City alinsunod sa mandato ng Republic Act 10742. Bitbit ng bawat kabataan ang mga ideya, solusyon, programa, at adbokasiya sa pagpaplano at pagbuo ng LYDP noong Pebrero 16, 2019 sa Hamaka Hall ng Antipolo City Hall, sa pangunguna ng Antipolo City Youth Development Office. Binibigyang halaga ng ating Mayor Jun Ynares na kasama rin sa pag-unlad ng Antipolo City ang mga kabataan at ang mahalaga nilang kontribusyon sa ating komunidad. #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares#AYDO #TayoNaKabataangAntipolenyo