PaglikastungongSitioColaiqueAlam mo ba na napakahalaga ng pangyayaring ito sa kasaysayan ng Antipolo? Ang pagdiriwang na ito ay ika-74 annibersaryo na ng makaysaysayang paglikas ng mga Antipolenyo patungong Sityo Colaique para matakasan ang mga hapon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nailigtas ng paglikas ang mga Antipolenyo sa kapahamakang dulot ng digmaan sa pagitan ng mga Hapon at Amerikano. Nakiisa si Ate Andeng Ynares sa paggunita ng taunang selebrasyon na sinimulan ng prusisyon mula sa Antipolo Cathedral at sinundan ng misa ng pasasalamat sa Sityo Colaique ngayon Pebrero 16, 2019. Mabuhay ka Antipolo!