Measles Rubella Caravan MayamotNext sa ating listahan ang Unit 1 at Unit 2 Pagrai and Summerville Subd. sa Barangay Mayamot para sa “LigtasTigdas” – Measles Rubella Supplementary Immunization Activity noong February 8, 2019. Matiyagang nagbahay-bahay ang mga kawani ng City Health Office (CHO) para bakunahan ang mga batang may edad na 6 na buwan hanggang 71 na buwan laban sa sakit na tigdas.

Ito ay isa sa mga aksyon ng Pamahalaang Lungsod upang maiwasan ang pagtaas ng mga kaso ng tigdas sa Antipolo. Wala dapat ikabahala ang mga magulang dahil ang bakuna na ito ay subok na at matagal nang ibinibigay sa ating mga sanggol sa mga health centers at ospital. Kaya wait niyo na lang ang pagdating ng ating CHO team sa barangay niyo para mabigyan ng bakuna ang mga babies niyo! #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares #AntipoloCityGovAtWork