BusogbusogFestivalCravings satisfied si Ate Andeng Ynares kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa ginanap na Busog-Busog Festival na may temang “Busog: Sariwain ang Nakakabusog na Mayamang Kultura ng Sitio Old Boso-Boso” ngayong Pebrero 7, 2019 sa Old Boso-Boso National High School.

Tampok sa programa ang kultura’t tradisyon ng nasabing Sitio kung saan bahagi rin nito ang pagpapasinaya sa bagong tayong school building sa naturang paaralan. Ibinahagi ni Ate Andeng ang mensahe ng suporta at paghanga sa patuloy na pagtangkilik at pagpapahalaga ng mga mamamayan sa natatanging tradisyon at kultura ng mga Antipolenyo. #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares