LivelihoodTraining1Nakiisa ang Antipolo City Government sa 2-day Community Training and Employment Coordinator (CTEC) Capability Building Seminar and 2019 Planning Workshop ng TESDA mula January 30-31, 2019 sa Hanna’s Garden, Calamba, Laguna. Kinatawan ni Antipolo CTEC Shane Parreno ang CTEC Rizal kung saan inilatag niya ang mga accomplishments ng probinsya sa taong 2018.

Isa sa mga objectives ng programa ay ang pagpapalakas ng mga technical vocational education/training at ang maiparating ito sa mga komunidad lalung-lalo na sa mga mahihirap na grupo ng mga mamamayan. #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares #AntipoloCityGovAtWork