Tumanggap ng cash incentives na nagkakahalaga ng P 296,000 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Antipolo Baseball Team na 3rd placer sa 35th Boys IBA-WBF Nankyu Baseball World Championships na idinaos sa Tokyo, Japan noong Hulyo hanggang Agosto gayundin mga atletang humakot ng 130 gold, silver at bronze medals sa ginanap na 2017 Southern Tagalog CaLaBaRZon Athletics Association Meet noong Pebrero sa Sta. Cruz, Laguna.

Isinagawa ang naturang turn-over ceremony sa Flag Raising Program ng mga kawani ng pamahalaang lokal noong Setyembre 5, 2017.