Ginawaran ng Department of Health ng Gawad ng Pagkilala ang limang Rural Health Units ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong ika-31 ng Agosto 2017 sa Acacia Hotel, Filinvest Alabang dahil sa kahanga-hanga at aktibong kampanya nito laban sa Tuberculosis at Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Tinanggap ni City Health Officer Dr. Concepcion Garcia-Lat kasama ang mga doktor, nurse, midwives, medtech at barangay health workers ang naturang parangal.