Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang pagbubukas ng ika-48 na Materials Recovery Facility (MRF) ng Calawis National High School noong Agosto 25, 2017. Sa pagkakaisa ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), Rizal Provincial Government, DepEd-Antipolo at Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O), naisakatuparan ang pagtatayo ng naturang pasilidad bilang bahagi ng programang ituro at isabuhay ng mga kabataang AntipoleƱo ang makakalikasang mithiin ng pamahalaang lokal at YES Program. Nakiisa sa pagbubukas sina Kon. Nixon Aranas, CEWMO Officer Engr. Violeta Sabulao-Faiyaz, at Provincial Agriculturist Dr. Reynaldo Bonita.