Muling nadagdagan ang bilang ng mga Materials Recovery Facility (MRF) sa mga paaralan sa Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagbubukas ng ika-47 na MRF gayundin ng “Gulayan sa Paaralan” ng Cabading Elementary School noong Agosto 18, 2017.

MRFGulayan47 1

MRFGulayan47 2

Katuwang ang City Environment and Waste Management Office, DepEd-Antipolo at Youth for Environment in Schools – Organization (YES-O), binuksan nina Kon. Nixon Aranas at dating Teresa Mayor Rodel Dela Cruz, kinatawan ni Gov. Rebecca “Nini” Ynares at focal person ng YES Program, ang naturang pasilidad bilang adbokasiya ng pamahalaang lokal na pangalagaan ang kalikasan at maisapuso ng mga kabataan hindi lamang ang recycling at segregation gayundin ang pagkain ng mga masusustansiyang gulay.