Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ang mga kabataang Antipolenyong nag-uwi ng parangal para sa lungsod sa larangan ng baseball at softball, sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Abril 3, 2017 sa Sumulong Park. Ang kanilang grupong “D’ Batters” ang kauna-unahang grupo sa lungsod na nagkamit ng parangal sa naturang isports. May nakatakdang competisyon naman sila na sasalihan sa Hulyo 2-8 sa Fukuoka, Japan upang irepresenta ang Antipolo, pati na din ang buong bansa.