Latest News

Kampanya kontra polusyon at basura ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, mas pinagtibay sa pagbubukas ng bagong Materials Recovery Facility (MRF) sa Lores Elementary School. Nadagdagan muli ang mga angkop na pasilidad laban sa maling pagtatapon ng basura noong Hunyo 29, 2017. Sa kasalukuyan umabot na sa 37 ang mga paaralan sa lungsod na nagtatayo ng MRF. Nakiisa at nagbigay ng maikling talumpati sina Kon. Nixon Aranas (dulo kaliwa), Kon. Eddie Lagasca (gitna), CEWM-Officer Daisy Lumio, PB Andeng Cabasbas, at dating Teresa Mayor Rodel Dela Cruz.

PINAGTIBAY ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Veterinary Office (CVO), ang kampanyang kontra rabis sa pagsasagawa muli ng “Massive Anti-Rabies Vaccination” sa Brgy. Calawis, Brgy. Inarawan, at Brgy. Dalig. Sa ilalim ng programa para sa buong buwan ng Hunyo 2017, umabot sa 2,687 na hayop ang nabigyan ng libreng bakuna kontra rabis. Kaakibat ng aktibidad ang veterinary medical mission sa mga livestock animal ng lungsod.

PINALAKAS na kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, laban sa lumalalang pagbabago ng klima at wastong pamamahala ng basura ang naging tampok sa pagdiriwang ng taunang Philippine Arbor Day o National Tree Planting Day kung saan nagtulong-tulong ang 330 volunteers sa pagtatanim ng 1,500 na punongkahoy sa Antipolo City Controlled Disposal Facility (ACCDF), Brgy. San Jose noong Hunyo 25, 2017.

BAGONG Materials Recovery Facility (MRF) at Gulayan sa Paaralan ang nagbukas sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Hunyo 28, 2017 sa Mayamot Elementary School (MES) kasunod ng mas pinaigting na adbokasiya ng pamahalaang lokal na solusyunan ang suliranin sa basura at polusyon. Umabot na rin sa 36 na paaralan sa lungsod ang nagtatayo ng MRF bilang suporta sa YES Program ng Rizal Provincial Government.

SAMA-SAMANG nag-duck, cover and hold muli ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Huwebes, Hunyo 29, 2017. Sa pangunguna ng City Disaster Risk-Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Prevention (BFP), matagumpay na naisagawa ng mga lumahok ang naturang shake drill patungo sa Sumulong Park na siyang itinakdang evacuation area.

Pasay City – Kung sakaling pipiliin ng Senado na lumipat sa Antipolo, makakatipid ang Mataas na Kapulungan ng mahigit kumulang na 4.14B bilyon piso dahil libreng ibibigay ang lupa ng lokal na pamahalaan at mas mababa ang building construction cost. Ang nasabing halaga ay sapat na upang gamitin para irehabilitate ang Marawi City na dumaranas sa isang matinding krisis sa ngayon.

Pasay City – Dumadagundong na “YES!” ang naging tugon kay Senate Secretary Lutgardo B. Barbo sa pagtatapos ng employees forum na dinaluhan ng mga opisyales at kawani ng Senado kung pabor ang mga ito sa paglipat ng Senado sa Antipolo.

MASAYANG nakilahok ang halos 250 runners sa TNT Tropa Run sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Hunyo 17, 2017 sa Robinsons Place Antipolo. Katuwang ang Smart Communications, City Tourism Office, at Robinsons Malls, nagkaroon ng tatlong kategorya ang kumpetisyon, 3km, 5km, at 10km run kung saan aktibong ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang kagalingan sa pagtakbo at diskarte nila sa pagsuong sa iba’t ibang obstacle courses.

Ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ng 2016 Manila Bayani Award mula sa National Department of the Interior and Local Government (DILG). Nagwagi ang lungsod dahil sa walang tigil nitong pagpapatupad ng mga panukala at ordinansang tumutugon sa problema sa basura, gayundin sa pagpapatayo nito ng mga angkop na pasilidad na gagamiting imbakan at tapunan. Tatanggap ang Antipolo ng 1 million bilang pabuya.

PAGPUPUGAY at pag-alala sa ika-156 na kaarawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ang hatid ng 2017 Extemporaneous Speech on the Life and Works of Dr. Jose Rizal ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo City Culture and Tourism Promotions Office (AnCCATPO), Order of the Knights of Rizal at DepEd - Antipolo na idinaos noong Hunyo 19, 2017 sa Robinsons Place Antipolo.