ISA na namang matagumpay na taon ang 2016 para sa lungsod ng Antipolo nang muling kilalanin at gawaran ito ng National Competitiveness Council (NCC) bilang 1st Place sa Overall Competitiveness sa Component City Category sa ginanap na Regional Competitiveness Summit noong Agosto 16, 2017 sa CCP Complex, Manila.

Ayon sa NCC, muling nakitaan ang Antipolo City ng mahusay na pamamalakad base sa apat na pillar ng competitiveness --- Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure Development at Resiliency. Dahil dito ay umani rin ng parangal ang lungsod bilang Top 1 sa Infrastructure Development, Top 3 sa Government Efficiency, Top 6 sa Economic Dynamism at Top 7 sa Resiliency.

 

MostCompetitiveCity1

Hindi naman maipaliwanag na saya ang naramdaman ni Antipolo City Mayor Jun Ynares kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod.

“Ang lahat po ng karangalang ito ay bunga po ng pagtutulungan ng lahat ng bumubuo ng aming pamahalaang lungsod at sa tiwalang buong pusong ibinigay ng lahat ng mga mamamayan ng Antipolo,” sabi ni Mayor Ynares.

MostCompetitiveCity2

Pinasalamatan din niya ang NCC sa patuloy na pagkilala sa mga pagsisikap ng lungsod ng Antipolo na mai-angat ang estado ng pamumuhay ng mga sinasakupan nito.