DAAN-DAANG katao ang dumagsa sa blessing at Grand Opening ng SM Cherry Antipolo na pinangunahan nina SM Prime Holdings Inc. Non-Executive Director at Executive Committee Chairperson, Mr. Hans Sy at SM Prime Holdings Inc. President and Executive Director, Mr. Jeffrey C. Lim, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Governor Rebecca “Nini” Ynares, noong Hunyo 30, 2017.

Ito na ang ikatlong SM Cherry Mall na naitayo bukod sa SM Cherry Shaw at SM Cherry Congressional na may layuning mas palawigin ang shopping experience ng publiko sa pamamagitan ng mas pinalawak na serbisyo.

 

SMCherry1

Ayon kay Mayor Ynares, ipinagpapasalamat niya ang pagtitiwala ng SM Prime Holdings Inc.sa lungsod ng Antipolo. Aniya, ang pagtatayo ng SM Cherry ay hindi lamang naglapit sa mga Antipolenyo sa pamilihan, kainan at pasyalan ngunit nagbigay daan din ito para sa mas maraming oportunidad at trabaho.

SMCherry2

 

Ilan lamang ang Kuya J, Dunkin Donuts, Jollibee, Giligan’s, Honeybear at Dairy Queen sa fast-food restaurants at food stalls na maaaring kainan rito. Samantala, matatagpuan din dito ang ilang stores at clothing brand gaya ng Watsons, Ace Hardware, Miniso, Penshoppe at Bench gayundin ang beauty and wellness outlets at bilihan ng gadgets.

SMCherry3

Sa second floor ng naturang mall, matatagpuan naman ang Skygarden kung saan maaaring kumain, maglakad-lakad at magpakuha ng litrato.

SMCherry4

 

Mula sa DSGN, Architect on Record Jose Siao Ling & Associates at General Contractor Lorean Steel Construction Corporation ang pinaghalong moderno at mid-century na disenyo ng SM Cherry.